Marikina City, Metro Manila
SA BAWAT PAGGUHO AT LUMBAY, PAGASA ANG UMAAKAY


Nang hagupitin ng Bagyong Crising ang Marikina City, marami ang nawalan ng tahanan, kabuhayan, at pag-asa.
Sa MBS Solve, naniniwala kaming ang tunay na tagumpay ng isang kumpanya ay hindi nasusukat sa kita kundi sa kakayahan nitong tumindig para sa kapwa.
Hindi perpekto ang aming naging tugon, ngunit ginawa namin ang lahat para maabot ang mga nangangailangan — hindi bilang isang obligasyon, kundi bilang isang pagmamalasakit.
Ang larawang iyan ay hindi kuha para sa anumang pansariling benepisyo. Ito ay tanda ng kanilang panata — isang paalala na sa gitna ng bagyo, may mga pusong handang tumindig para sa kapwa.